Proyekto sa Kaligtasan ng 12th Ave S - Yugto 2
Na-pabago: Setyembre 2026
Ano na ang Nangyayari sa Ngayon?
Sinimulan namin ang pakikipag-ugnayan para sa yugtong ito ng proyekto noong unang bahagi ng 2026. Ang aming koponan ay nangalap ng mga opinyon sa pamamagitan ng mga sarbey at pagpupulong sa mga organisasyong namimirmihan sa komunidad. Ngayong tag-init, nakikipagpulong kami sa mga lokal na negosyo at dumadalo sa mga kaganapan ng komunidad sa kapitbahayan ng Little Saigon. Ang mga aktibidad na ito ay tumutulong sa amin na maunawaan ang mga priyoridad ng komunidad at mapabuti ang mga planong pagpapabuti sa kaligtasan. Ang inyong puna ay makakatulong sa paghubog ng proyekto habang tinutuloy namin ang disenyo.
Sumuskribe sa aming listahan ng email para sa mga pagbabago sa proyekto. Bilang paalala, laging bukas ang aming inbox at voicemail, at ang mga tanong at mga komento ay maaaring isumite sa anumang wika.
Pinagmulan ng Proyekto
Pinapabuti namin ang kaligtasan at paggalaw sa kahabaan ng 12th Ave S sa pagitan ng E Yesler Way at S King St. Habang patuloy na lumalaki ang Seattle, nagsusumikap kaming tiyakin na ang koridor na ito ay ligtas at naa-akseso para sa lahat, naglalakad man sila, nagbibisikleta, sumasakay ng pampublikong transportasyon, o nagmamaneho. Ang mga pagpapabuting ito ay idinisenyo upang bawasan ang mga banggaan at suportahan ang layunin ng aming Vision Zero na maalis ang mga pagkamatay at malubhang kapinsalaan sa trapiko sa Seattle.
Lugar ng Proyekto

Mga Layunin ng Proyekto
- Pagbutihin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga salungatan upang mapababa ang posibilidad at kalubhaan ng mga banggaan
- Magtatag ng mga protektadong koneksyon para sa bisikleta na dinudugtong ang timog ng Seattle at Beacon Hill sa Little Saigon at mga gitnaang kapitbahayan ng Seattle
- Pagbutihin ang mga linya ng natatanaw sa mga interseksyon
- Maglaan ng mga pang-operasyong komersyal sa pagka-karga sa mga tabing-kalye
- Pahusayin ang pag-aakseso sa mga Ruta 36 at 60 ng Metro
- Isulong ang pantay na pag-aakseso sa mga opsyon sa transportasyon at mga lokal at panrehiyong destinasyon
Bakit Mahalaga ang Proyektong Ito
Ang koridor ng 12th Ave ay tinukoy bilang isang priyoridad sa Plano ng Transportasyon ng Seattle noong 2024 at bahagi ng High Injury Network ng Seattle.
Sa pagitan ng 2021 at 2025, mayroong 65 na banggaan sa 12th Ave S sa pagitan ng E Yesler Way at S King St. Kabilang dito ang:
- 11 na banggaan na kinasasangkutan ng mga taong naglalakad, kabilang ang isang may namatay na banggaan
- 11 na banggaan na kinasasangkutan ng mga taong nagbibisikleta o gumagamit ng mga iskooter
- 43 na banggaan na kinasasangkutan ng mga taong nasa mga sasakyan
Noong 2026, isang tao ang namatay sa E Yesler Way at 12th Ave S habang nagbibisikleta.
Sa pagitan ng 2021 at 2025, tatlong uri ng banggaan ang bumuo sa halos kalahati ng lahat ng banggaan sa kahabaan ng koridor:
- Mga naka-anggulo na banggaan (15%)
- Mga banggaang kinasasangkutan ng mga taong naglalakad (17%)
- Mga banggaang kinasasangkutan ng mga taong nagbibisikleta o gumagamit ng mga iskooter (17%)
Ang mga banggaang kinasasangkutan ng mga taong naglalakad karamihan ay nakapangkat sa pagitan ng S Jackson St at S Lane St. Ang parehong lugar na ito ay nasaksihan ang mas-nakararaming malalang pinsala sa mga taong naglalakad, na may siyam na naitalang kaso na malalang kapinsalaan.
Disenyo ng Proyekto

Mga Anyo ng Proyekto
- Panibagong paglaladlad ng daan para pasimplehin ang galaw ng mga sasakyan at bawasan ang mga kolisyon sa mga taong naglalakad at nagbibisikleta
- Mga protektadong mga daanan ng bisikleta hinggil sa direksyon sa pagitan ng E Yesler Way hanggang S King St
- Kabahaging naka-angat na protektadong mga daanan ng bisikleta at mga hintuan ng bus kung saan nananatili ang mga bus sa dinadaanang pagbibiyahe
- Protektadong pakanan na pagliko patungong timog sa 12th Ave S at S Jackson St
- Mga nakalaang daanan sa pagliko para sa mga sasakyan sa lahat ng mga interseksyon
- Mga karagdagang komersyal na sona sa pagka-karga (mga lokasyon na aalamin pa)
Ang 12th Ave S ay prayoridad para sa programang Vision Zero, na naglalayong hintuin na ang mga pagkamatay at malalang kapinsalaan sa trapiko, at lumikha ng kultura ng pag-aalaga at dignidad para sa lahat ng gumagamit ng mga kalye ng Seattle.
Iskedyul
- Pagpaplano: 2025 hanggang unang bahagi ng 2026
- Disenyo: Kalagitnaan hanggang huling bahagi ng 2026
- Pagtatayo: Magsisimula nang maaga sa Tagsibol ng 2027