Koridor sa Kaligtasan ng 12th Ave Vision Zero
This content has been professionally translated in other languages.
Este contenido ha sido traducido profesionalmente a otros idiomas.
此內容已被專業翻譯成其他語言。
此内容已被专业翻译成其他语言。
Nội dung này đã được dịch chuyên nghiệp sang các ngôn ngữ khác.
Ang nilalamang ito ay propesyonal na isinalin sa ibang mga wika.
이 콘텐츠는 전문적으로 다른 언어로 번역되었습니다.
Na-pabago: Setyembre 2026
Ang 12th Ave Vision Zero Koridor ng Kaligtasan ay isang pangunahing pagsisikap na gawing mas ligtas ang 12th Ave para sa lahat ng naglalakbay sa Capitol Hill, Central District, at Little Saigon. Ang koridor ay mula sa E Aloha St hanggang S Charles St. Ang 12th Ave ay natukoy sa 2015 Seattle Transportation Levy at isang prayoridad na lugar ng 2024 Plano ng Transportasyon ng Seattle. Bahagi rin ito ng High Injury Network ng Seattle at kasama ang ilang interseksyong natukoy sa Bike and Pedestrian Safety Analysis.
Gumawa kami ng mga pagpapabuti sa kaligtasan sa kahabaan ng 12th Ave sa mga nakaraang taon, at isinasagawa na ang mga karagdagang pagpapabuti. Ang pahinang ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya sa mga hakbang na naitatag na, mga paparating na pagpapabuti sa mga tiniyak na lugar, at mga kadugtong sa mga proyekto ng koridor na may kasamang mga pasilidad para sa bisikleta.
Pangkalahatang-ideya sa mga Proyektong Kaligtasan
Yugto 1 (natapos noong 2021): Nagdagdag ng mga protektadong mga daanan para sa bisikleta at iba pang pagpapabuti sa kaligtasan mula S Charles St, sa ibabaw ng Dr. José Rizal Bridge, patungo sa S King St Neighborhood Greenway sa komunidad ng Little Saigon.
Yugto 2 (2026-2027): Magdidisenyo at magtatayo ng mga protektadong mga daanan para sa bisikleta at iba pang mga pagpapabuti mula S King St hanggang E Yesler Way.
Yugto 3: Nasa maagang yugto ng pagpaplano para sa mga protektadong mga daanan para sa bisikleta mula E Yesler Way hanggang E Madison St. (may paparating pang impormasyon)
Kapag kumpleto na ang lahat ng yugto, magkakaroon ng protektadong koneksyon para sa bisikleta sa pagitan ng Beacon Hill at Capitol Hill, na tatakbo mula sa Dr. José Rizal Bridge hanggang E Madison St. Sinusuportahan nito ang isang pangunahing layunin na palawakin at protektahan ang network ng bisikleta sa Plano ng Transportasyon ng Seattle.
Mga Proyekto sa Kaligtasan
Sa nakaraang dekada, naglagay kami ng iba't ibang pagpapaayos ng kaligtasan sa kahabaan ng 12th Ave. Ang kamakailang mga gawain:
- Noong 2024-2025, ang mga pagpapaayos para sa kaligtasan mula E Aloha St hanggang S Main St:
- Pinabuting natatanaw sa interseksyon na may na-pabagong guhit at mga karatula
- Nagdagdag ng mga karatula na "No Turn on Red" sa may-signal na mga interseksyon
- Pinabago ang mga karatulang pagpapa-hinto na maging bersyong madaling matanaw na may nagpapatalbog ng liwanag na tape
- PInabago ang mga senyales para sa mga naglalakad upang isama ang mga nangungunang puwang para sa naglalakad (mga panimula) at mga pagbibilang kung saan man kinakailangan
- Pinasariwang mga marka ng mga daanan para sa mga tumatawid
- Nagtayo ng mas malalaking mga ilaw-sinyales pang trapiko kung saan man maaari
- Nagdagdag ng dilaw na nagpapatalbog ng liwanag na tape sa mga ilaw-sinyales pang trapiko para sa mas malinaw na matatanaw
- Itinupad ang mga ipinagbabawal na pagliko at mga nakalaang mga senyales sa pagliko sa 12 Ave S at E Yesler Way
- Noong 2026:
- Naglagay ng ilaw na angkop para sa mga naglalakad sa Chinatown-International District
- Naglagay ng kahon pang-bisikleta patungong timog at nabago ang senyales para sa naglalakad sa 12th Ave S at E Yesler Way

Tanawin ng panibagong kahon pang-bisikleta patungong timog sa 12th Ave S at E Yesler Way. (Larawan ng SDOT)
12th Ave S at S Main St
Ang S Main St ay kinilala bilang isang panghinaharap na Neighborhood Greenway, na dudugtong sa Yesler Community Center patungo sa pangkasalukuyang 18th Ave Neighborhood Greenway.
Ang koponan ng Neighborhood Greenways ay nag-aplay para sa isang kaloob upang makapagtayo ng mga tawiran na may kalahating sinyales sa 12th Ave S at Boren Ave, na maaaring itayo ng sing-aga ng 2029.

Ipinapakita ng larawan ang kasalukuyang kondisyon sa 12th Ave S at S Main St habang nakatingin sa hilaga. (Larawan ng SDOT)