Ang Route 7

አማርኛ繁体字한국어af-SoomaaliEspañolTagalogTiếng việtEnglish

Panatiliing gumagalaw ang mga bus at pagpapabuti ng pag-access sa transit sa Rainier Ave S

Ano ang nangyayari sa kasalukuyan?

Pansamantalang hininto ng mga trabahador ang trabaho sa S Walden St at S State St dahil sa pagkaantala ng mga materyales at sa matinding init. Salamat sa inyong pasensya at pakikipagtulungan habang aming sinisikap na gawin na mas-ligtas ang lugar na ito para sa lahat ng bumibiyahe.

Maaari na may mga pansamantala na pagsasara ng hintuan ng bus at mga relokasyon sa panahon na ito. Mangyaring sundin ang mga karatula at mga update mula sa King County Metro.

Mga Paparating na Pakikipag-ugnayan:

Kami ay lalabas sa mga komunidad sa mga darating na linggo sa susunod na mga kaganapan:

  • Safeway Rainer Valley Square (3820 Rainier Ave S) pop-up, Martes, Agosto 2 mula 2-5 ng hapon
  • Othello Festival, Othello Playground, Linggo, Agosto 14 mula 12-6 ng gabi
  • Saturday Night Market, Columbia City, Sabado, Agosto 20 mula 6-10 ng gabi
  • Big Day of Play, Rainier Playfield, Sabado, Agosto 20 mula 12-6 ng gabi
  • Rainier Beach Back to School Bash, Rainier Beach Community Center Plaza, Sabado, Agosto 27 mula 12-4 ng hapon
  • Columbia City Farmers Market (malapit nang makumpirma ang mga petsa)

Mga katanungan tungkol sa proyekto?

Mag-email sa amin sa 7TransitPlus@seattle.gov o mag-iwan ng voicemail sa (206) 771-0481

Pinagmulan ng Proyekto

Ang Route 7 ay isa sa mga ruta sa Seattle na may pinakamataas na pagsasakay, na nagsisilbi ng higit sa 11,000 sakay araw-araw sa iba't-ibang mga uri ng destinasyon kabilang ang mga paaralan, mga community center, mga grocery store, mga tahanan, at mga parke. At habang ang mga bus ng Route 7 ay naka-iskedyul na dumating tuwing 10 minuto o mas madali pa sa halos buong araw, ang mga kondisyon ng kalye ay maaaring magdulot ng pag-aantala.


Ibig naming panatilihin ang naiibigan na ng mga tao tungkol sa 7 at gawing mas madali ang pagkakonekta nito sa Link light rail, ang Metro Transit Center, at higit pa. Para magawa ito, nagsasagawa kami ng mga pagpapabuti sa mga bangketa, tawiran, signal, at naglalagay ng mga curb na alinsunod sa mga patakaran ng ADA.

Pangkalahatang Ideya ng Proyekto

Binuo mula sa mga natanggap naming mga puna sa komunidad nung 2018 at 2019, ang mga pinal na disenyo ay natapos nung 2021 at ang mga pagpapahusay na nagawa bilang parte nitong Transit-Plus Multimodal Corridor na proyekto ay kabilang ang mga pagbabago para sa taong naglalakad, nagbibisikleta at gumugulong sa Rainier Ave S. Para sa karagdagang mga detalye tungkol sa mga pagbabagong darating sa inyong lugar, tingnan ang mga mapa at mga paliwanag sa ibaba.

Ang Rainier Ave S Ang mga daanang pang-bus lamang ay isa na ngayong stand-alone na proyekto na pinaplano at itinatayo sa dalawang yugto. Ang isang maikling paliwanag ng mga lokasyon at mga iskedyul ay mahahanap samapang ito.

Mapa ng Proyekto

Isang mapa ng kalye na pinapakita ang lokasyon ng mga pagbabago sa Route 7, mula South Dearborn Street hanggang South Findlay Street

Mga Pangunahing Lugar ng mga Pagbabago

Rainier Ave S at S Charles St

Kasama sa mga pagbabago sa interseksyong ito ang:

  • Pagdagdag ng mga bagong ADA curb ramps sa mga interseksyon ng Rainier Ave S at S Dearborn at S Charles
  • Pag-aayos ng mga bangketa sa kahabaan ng mga kalye ng Rainier Ave S at S Dearborn at S Charles
  • Pag-aayos ng mga daanan ng sasakyan sa kahabaan ng silangan at kanlurang bahagi ng Rainier Ave S upang mapabuti ang pag-access sa bangketa

Ang mapa na nagpapakita ng lokasyon ng mga bagong curb ramp, mga pag-aayos ng bangketa, at mga pag-aayos ng mga driveway sa Rainier Ave S sa pagitan ng South Dearborn Street at South Charles Street

Rainier Ave S at I-90

Sa interseksyong ito ng Rainier Ave S at ng rampang labasan mula I-90, gagawa kami ng makabuluhang pagpapabuti upang maging mas ligtas ang pagtawid, kabilang ang:

  • Pagdagdag ng bagong ADA curb ramps
  • Pag-aayos ng mga bangketa sa interseksyon at sa kanlurang bahagi ng Rainier Ave S
  • Paglalagay ng bagong tawiran sa hilagang bahagi ng interseksyon ng Rainier Ave S at ng rampang labasan mula I-90

Ang mapa na nagpapakita ng lokasyon ng mga bagong curb ramps, pag-aayos ng mga bangketa, at bagong tawiran sa Rainier Ave South sa may rampang labasan mula I-90.

Rainier Ave S at S State St

Sa kanyang kasalukuyang kondisyon, ang pagtawid sa Rainier Ave S sa silangang bahagi ng kalye ay nangangailangan na ang mga taong naglalakad, gumugulong, at nagbibisikleta ay nasa kalye nang matagal. Kasama sa mga upgrades sa intersekyong ito ang:

  • Gumawa ng natanimang curb bulb para maging mas maikli at ligtas ang mga tawiran
  • Dagdagan ng mga bagong ADA curb ramp sa hilagang bahagi ng interseksyon
  • Bagong kongkreto sa daanan sa hilagang bahagi ng interseksyon

rainier ave s map

Rainier Ave S at S Walden St

Mga pagbabago sa interseksyong ito kasama ang pagbuo ng imprastraktura para sa bisikleta upang maging mas ligtas ang pagtawid ng nakabisikleta. Kasama sa mga pag-upgrade na ito ang:

  • Pagbuo ng mga rampang pangbisikleta sa hilaga at sa timog na bahagi ng interseksyon
  • Pagpintura ng mga berdeng marka para sa tawiran ng bisikleta sa haba ng interseksyon

Kasama rin sa mga pagbabago ang:

  • Paggawa ng mga bagong curb ramps
  • Pag-aayos ng mga bahagi ng bangketa sa Rainier Ave S at S Walden St
  • Pag-aayos ng simento sa kalsada
  • Pag-upgrade ng mga sinyales ng trapiko para sa mga protektadong paglikong pakaliwa nang mabawasan ang mga salungatan ng mga nagmamaneho at naglalakad
  • Pagdagdag sa timing ng mga interval push buttons para paunahin ang mga naglalakad
  • Pag-aayos ng mga driveway upang mapabuti ang pag-access sa bangketa

Isang mapa ng kalsada na nagpapakita ng mga Bagong curb bulbs, mga pag-aayos ng bangketa, mga pag-aayos ng driveway, at mga pag-aayos ng daan sa interseksyon ng Rainier Ave South at South Walden Street

Rainier Ave S at S Brandon St

Katulad ng mga binalak na pagbabago sa S State St, gagawa kami ng mga upgrade upang gawing mas maikli ang mga tawiran para sa mga taong naglalakad, gumugulong, at nagbibisikleta. Kasama sa mga upgrade sa interseksyong ito ang:

  • Pagbuo ng mga curb bulbs na may ADA curb ramp nang maging mas maikli at ligtas ang tawiran
  • Pag-aayos ng bangketa sa timog na bahagi ng S Brandon St sa tabi ng City Teriyaki
  • Panibagong pagpintura ng mga kasalukuyang tawiran at stop bar
  • Bagong kongkreto sa kalye sa hilagang bahagi ng interseksyon

Mga pagbabago sa Route 7 sa paligid ng Rainier Ave S at S Brandon St

Rainier Ave S at S Findlay St

Dati kaming gumawa ng mga pagbabago sa interseksyong ito, kabilang ang pagpintura at paglagay ng mga posteng pang curb sa kalagitnaan ng kalsada upang maprotektahan ang mga taong tumatawid sa timog, silangan, at kanlurang bahagi ng interseksyon. Kasama sa proyektong ito ang pag-ayos muli ng mga kasalukuyang napinturahan at ng mga poste. Kasama sa mga karagdagang pagbabago ang:

  • Paggawa ng mga bagong curb ramps sa lahat ng apat na kanto ng interseksyon
  • Pag-aayos ng bangketa sa timog na bahagi ng S Findlay St at ang hilagang-kanlurang bahagi ng Rainier Ave S
  • Pasariwain ang kasalukuyang pintura/poste ng curb bulbs at kalahatian ng kalsada

Mga pagbabago sa Route 7 sa paligid ng Rainier Ave S at S Findlay St

Ang Iba Pang mga Proyekto sa Haba ng Rainier

Ang aming pangkat sa proyekto ay malapit na nakikipag-ugnayan sa mga sumusunod na mga proyekto:

Kasaysayan ng Proyekto

Kasama sa 2015 Levey to Move Seattle ang pagpopondo upang i-upgrade ang Route 7 na maging RapidRide line. Itong pagbabago ay naisama rin sa 2016 Transit Master Plan Update at sa 2017 Metro Connects Long-Range Plan.

Ang pag-upgrade ng Route 7 para maging RapidRide R Line ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng SDOT at ng King County Metro. Tungkulin ng SDOT na magsagawa ng mga pagbabago sa mga kalsada, mga bangketa, at imprastraktura para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, gumugulong, at nagmamaneho. Ginagawa namin itong mga pagbabago upang mapabuti ang pagiging maaasahan at pag-access ng bus ng mga taong gumagamit ng transit. 

Sa kasamaang palad, ang epekto ng pandemyang COVID-19 ay nagbawas ng kita at kinailangan ng Metro na ihinto nang pansamantala ang RapidRide R Line. Naghahanap sila ng mga paraan upang maibalik ang proyektong ito sa lalong madaling panahon. Bisitahin ang RapidRide R Line webpage para sa karagdagang impormasyon. 

Pag-aabot sa Komunidad

Maagang 2020: Ang mga Open house ng Metro
Lumahok sa mga open house sa pakikipag-ugnayan sa King County Metro RapidRide R Line

Hulyo 2019: Mga personal na survey
Nagsagawa ng mga survey sa mga negosyo sa at malapit sa Rainier Ave S sa pagitan ng S Massachusetts St at S Bayview St upang higit na malaman ang tungkol sa paghatid at pag-access ng mga mamimili upang makatulong na maibalita ang potensiyal na mga bus lane sa Rainier.

Hunyo 2019: Pagbabalita sa mga Stakeholder
Move Seattle Levy Oversight Committee

Mayo 2019: Pagbabalita sa mga Stakeholder
Seattle Transit Advisory Board

Marso-Abril 2018: Mga personal na survey

  • Chinatown-International District Community Center
  • King Donuts
  • Rainier Community Center
  • Viet Wah Asian Supermarket
  • Asian Counseling and Referral Service
  • Rainier Farmers Market
  • Asian Counseling and Referral Service
  • Bush Aparments
  • Easter Hotel
  • Nihon Terrace
  • Ling King Tin Ye Association
  • All Family Association
  • Mga pop-up sa iba't ibang lokasyon kabilang ang mga aklatan, mga mini-mart, at mga apartment complex

March-April 2018: Pagbabalita sa mga Stakeholder

  • Seattle Bicycle Advisory Board
  • Seattle Pedestrian Advisory Board
  • Seattle Freight Advisory Board
  • King County Transit Advisory Board
  • Transportation Choices Coalition at ang Puget Sound Sage

Marso 19-Abril 14, 2018: Online open house
Open house sa online at survey upang kumolekta ng mga puna sa mga opsyon na may mga detalyadong konsepto; Kabilang sa pagbibigay balita ang pagkoreo sa 40,000 mga adres, mga listserv email, media, at mga email at mga pagtawag sa telepono sa mga grupo ng komunidad; mga online at papel na survey na isinalin sa wikang Kastila, Insik, Vietnamese, Tagalog, Somali, Amharic, Khmer, Omoro, at Tigrinya.

2017: Maagang pag-aabot ng pagpaplano
Ibinahagi ang mga inisyal na plano at timeline ng RapidRide na kaakbay ang ibang mga proyekto sa SE Seattle (kasama ang mga mailer, open house, mga pag-uusapan sa komunidad, at social media)

Pagpopondo

Ang proyektong ito ay pinondohan ng 9-taong Levy to Move Seattle, na inaprubahan ng mga botante noong 2015. Nakikipagtulungan din kami sa iba pang mga proyekto sa kahabaan ng Rainier Ave S upang ihatid ang mga bahagi ng proyekto nang mas maaga at mas mabisa.

Isang text graphic na mababasang "Ang Levy to Move Seattle: Ang Inyong mga Buwis na Nagtatrabaho"

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.