Pagbubukas ng bagong lokasyon ng iyong negosyo

Tao na nagtatrabaho sa isang komersyal na remodel ng kusina

Alamin kung paano tapusin ang isang proyekto sa renobasyon o konstruksyon at kung paano magbukas ng pisikal na negosyo sa Seattle. Isinasaalang-alang ng gabay na ito ang mga hakbang sa pagbubukas ng bagong lokasyon ng negosyo o pagsasaayos ng isang negosyo.

Mga tip para makatipid ng oras at pera

1. Kumuha ng mga eksperto sa iyong pangkat.

Kahit na mayroon kang karanasan sa konstruksyon, maaaring may mga kinakailangan pa rin na hindi mo alam para sa pagbubukas ng negosyo. Maraming may-ari ng negosyo na gumagawa ng sarili nilang mga proyekto ang nakakaranas ng mga problemang maaaring naiwasan sana ng isang eksperto. Kabilang sa mga ekspertong maaaring kailanganin mo ang isang real estate broker, abogado, arkitekto, at pangkalahatang kontratista.

2. Mag-sign up para sa libreng permit coaching at mas mabilis na makuha ang iyong permit sa kontruksyon.

Handa ka na bang pumili ng espasyo para sa iyong maliit na negosyo? Alamin kung kwalipikado ka para sa libreng Komersyal na Permit na Coaching. Matutulungan ka namin…

  • Saliksikin ang kasaysayan ng permit para sa lokasyon na interesado ka.
  • Alamin kung anong mga pagkukumpuni o pag-update ang maaaring kailanganin para magamit ang isang espasyo para sa iyong negosyo.
  • Pabilisin ang iyong building permit.

Permit sa coaching

3. Hanapin ang tamang espasyo para sa iyong negosyo at sa iyong badyet.

Mas mura at mas madali kung makakahanap ka ng lokasyon na naitayo na para sa parehong uri ng negosyong iyong binubuksan. Halimbawa, kung gusto mong magbukas ng restawran, ang paggamit ng lokasyon na mayroon nang mga permit para maging restawran ay maaaring makatipid sa iyo ng mahigit isang taon na trabaho. 

Kung kailangan mong baguhin ang isang espasyo, alamin kung anong mga permit ang mayroon ito upang maunawaan mo kung ano ang kakailanganin mong gawin. Para malaman kung anong mga permit ang mayroon ang isang lokasyon, maaari mong saliksikin ang kasaysayan ng permit nito online:

Kagamitan sa kasaysayan ng permit

Pagpaplano ng iyong proyekto

Ang mga timeline at gastos ay depende sa iyong proyekto. Ang listahan sa ibaba ay isang iminungkahing timeline, ngunit ang iyong proyekto ay maaaring mas kailangan ng panahon o mas kaunta lamang.

I-download bilang PDF checklist

Hindi bababa sa isang taon bago buksan: Hanapin ang tamang lokasyon

Manaliksik ng mga lokasyon

Makipag-ayos tungkol sa iyong kontrata sa pag-upa

  • Makipag-usap sa may-ari ng lupa tungkol sa isang liham ng layunin.
  • Kumuha ng abogado para tumulong sa pag-negosasyon ng iyong upa.
  • Mag-hire ng arkitekto para tantiyahin kung magkano ang magagastos sa mga renobasyon.
  • Ipasuri sa isang abogado ang iyong kontrata sa pag-upa bago pirmahan.

Hindi bababa sa siyam (9) na buwan bago magbukas: Kumuha ng mga permit

Disenyo at plano

  • Tapusin ang mga plano kasama ang iyong arkitekto.
  • Kumuha ng na-update na badyet, kabilang ang mga gastos sa muwebles, kagamitan sa pagkakabit, at paglalagay ng kagamitan.
  • Makipag-usap sa isang lisensyadong kontratista at gumawa ng iskedyul ng proyekto at tantiya ng gastos.

Mag-apply para sa mga permit

  • Mag-sign up para sa Permit sa Coaching para malaman kung anong mga permit ang kakailanganin mo.
  • Kung ang iyong negosyo ay nasa isang makasaysayang distrito o gusaling palatandaan, kakailanganin mong kumuha ng Sertipiko ng Pag-apruba para sa Kasaysayan Preserbasyonng
  • Kung ikaw ay gumagawa ng anumang konstruksyon o renobasyon, ipa-apply ang iyong arkitekto para sa mga permit sa konstruksyon.
  • Kung magbubukas ka ng negosyo sa pagkain, ipa-rebyu ang iyong plano sa serbisyo sa pagkain sa programang Food and Facilities ng Public Health – Seattle and King County (PHSKC).
  • Maaaring kailanganin mo rin ng mga permit sa pamamagitan ng King CountyPlumbing at Gas na Programa.
  • Mag-apply para sa iba pang mga permit depende sa kung ano ang kailangan mo para sa iyong negosyo, tulad ng lisensya sa alak o permadong permit.

Anim (6) na buwan bago ang pagbubukas: Konstruksyon

  • Siguraduhing ikaw at ang iyong kontratista ay mayroong lahat ng permit bago simulan ang konstruksyon
  • Suriin ang iskedyul ng konstruksyon kasama ang iyong kontratista
  • Alamin kung aling mga inspeksyon ang iyong itatakda at alin ang itatakda ng iyong kontratista

Tatlong (3) buwan bago ang pagbubukas: Mga inspeksyon

Mag-iskedyul ng mga inspeksyon

  • Kumuha ng mga inspeksyon para sa gawaing konstruksyon mula sa Seattle Department of Construction and Inspections at mula sa Seattle Fire Department
  • Kumuha ng anumang iba pang mga permit na maaaring kailanganin mo mula sa Seattle Fire Department, tulad ng permit sa pagpupulong para sa mga restaurant na may mahigit 100 katao.     
  • Kung kinakailangan, magpa-inspeksyon mula sa King County Public Health para sa mga inspeksyon sa serbisyo ng pagkain at plumbing at gas
  • Pagkatapos ng lahat ng inspeksyon, kumuha ng pangwakas na inspeksyon upang matanggap ang iyong Sertipiko ng Pag-ookupa.

I-promote ang iyong negosyo

  • Makipagkilala sa ibang mga may-ari ng negosyo sa inyong lugar.
  • I-publiko ang iyong pagbubukas sa mga grupo sa kapitbahayan at sa social media.
  • Kumuha ng libreng tulong mula sa mga marketing consultant.

Karaniwang mga timeline at mga gastos sa permit

Ang mga average na ito ay mula sa mga kamakailang proyekto ng maliliit na negosyo sa Seattle. Ang mga halaga ng bayarin sa permit ay inayos para sa mga rate ng bayarin sa 2026.

Mga Restaurant

  • Isang (1) taon mula sa aplikasyon ng permit hanggang sa pangwakas na inspeksyon.
  • $5,600 na karaniwang bayarin sa permit sa konstruksyon.

Mga Beauty salon

  • Labing-isang (11) buwan mula sa aplikasyon ng permit hanggang sa pangwakas na inspeksyon
  • Karaniwang bayad sa permit sa konstruksyon na $1,800

Mga Retail store

  • Walong (8) buwan mula sa aplikasyon ng permit hanggang sa pangwakas na inspeksyon
  • $4,700 na karaniwang bayarin sa permit sa konstruksyon

Mga halimbawang proyekto

Isang walang laman na restaurant na mayroong bar na mayroong mga mesa at kusina sa likuran

Bago

Ang lokasyong ito sa Downtown Seattle ay may permit na maging isang restawran, kaya hindi na ito kinailangan ng maraming pagbabago para makapagbukas ng isang bagong restaurant.

Isang restaurant na ni-remodel na mayroong ilang manggagawa sa kusina

Pagkatapos

Paju, isang Korean restaurant, lumipat sa lokasyong ito matapos itong i-remodel. Kredito ng larawan: Atelier Drome.

Isang walang laman na silid sa isang bagong gusali na mayroong kongkretong sahig at mga bintana

Bago

Ang lokasyon na ito ay nasa isang bagong gusali, kaya kinailangang itayo mismo ng isang negosyo ang karamihan sa mga bagay bago magbukas. 

Ang parehong espasyo na mayroong bagong bar at kusina na itinatayo

Pagkatapos

Nakakuha ng permit ang Communion Restaurant and Bar para itayo ang kanilang restawran at kusina. Ang pagkuha ng lahat ng permit ay maaaring tumagal ng ilang buwan, kaya magplano nang maaga. Kredito ng larawan: Atelier Drome.

Mas laliman kung paano: Mga hakbang para mabuksan ang iyong negosyo

1. Hanapin ang tamang lokasyon

Ang pagpili ng tamang lokasyon ay makakatipid sa iyo ng pera, oras, at sakit ng ulo. Matutunan kung paano magsaliksik ng mga espasyo at makipagkasundo sa isang kontrata sa pag-upa.

2. Kumuha ng mga permit

I-disenyo ang iyong lokasyon at kumuha ng mga permit para sa pagtatayo o pagpapalawak ng iyong negosyo.

3. Mga inspeksyon at pagbubukas

Mag-iskedyul ng mga inspeksyon sa iba't ibang ahensya bago magbukas.

Mag-sign up para sa permit sa coaching

Tingnan kung ikaw ay kwalipikado para sa Commercial Space Permit Coaching para sa libreng tulong sa pagsasaliksik ng lokasyon, pag-unawa sa mga posibleng kailangang pag-aayos o pag-update para magamit ang isang lokasyon para sa iyong negosyo, at tulong sa iyong mga permit sa gusali. 

Permit sa coaching

Economic Development

Markham McIntyre, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 5752, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 94708, Seattle, WA, 98124-4708
Phone: (206) 684-8090
Fax: (206) 684-0379
oed@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Economic Development

The mission of the Office of Economic Development is to help create healthy businesses, thriving neighborhoods, and community organizations to contribute to a robust economy that will benefit all Seattle residents and future generations.