Kumuha ng mga huling inspeksyon at lisensya
Inspeksyon sa sunog
Lahat ng alarma sa sunog, fire alarm, at iba pang mga sistema ng kaligtasan ay kailangang suriin ng Seattle Fire Department.
Ang mga restaurant na may 100 o higit pang mga tao ay nangangailangan ng permit sa pagpupulong.
- Kailan mag-iskedul: 3 linggo nang maaga
- Gastos sa inspeksyon: $379 pataas
Mga inspeksyon ng kagawaran ng bumbero
Inspeksyon sa kuryente
- Kailan mag-iskedul: Kapag handa na kayo o ang inyong kontraktor ng kuryente
- Gastos sa inspeksyon: Wala
Mekanikal na inspeksyon
- Kailan mag-iskedul Kapag handa na kayo o ang inyong mekanikal na kontraktok
- Gastos sa inspeksyon: Wala
Inspeksyon sa plumbing at gas ng King County
- Kailan mag-iskedul: Hindi bababa sa 24 oras bago mo nais na isagawa ang inspeksyon. Karamihan sa mga inspeksyon ay ginagawa sa loob ng 24 na oras, ngunit makikipag-ugnayan sa iyo ang isang inspektor kung hindi nila magagawa ang inspeksyon sa araw na iyong hiniling
- Gastos sa inspeksyon: Wala, kasama na sa gastos ng permit
Inspeksyon sa mga tubo ng plumbing at gas
Serbisyo sa pagbebenta ng pagkain
Ika-1 hakbang: Permit sa pagpapatakbo ng serbisyo sa pagkain
Kung magbebenta ka ng pagkain, kunin ang permit na ito pagkatapos maaprubahan ang iyong Food Service Plan at matapos ang konstruksyon. Kailangan mong kumuha ng permit sa pagpapatakbo bago mo iiskedyul ang iyong Preoperational na Inspeksyon.
- Kailan mag-aaplay: Mag-aplay nang hindi bababa sa 30 araw bago ang iyong pre-operational na inspeksyon
- Gastos sa permit: $425 - $1,337
Ika-2 hakbang: Pre-operational na inspeksyon ng serbisyo ng pagkain
Kumpletuhin ang Final Pre-Operational Inspection Guide (PDF). Suriin ang iyong liham ng pag-apruba sa Plano ng Serbisyo sa Pagkain upang matiyak na sinunod mo ang mga tagubilin. Siguraduhing matugunan mo ang mga pamantayan ng Kagawaran ng Kalusugan. Kung ikaw ay mayroon permit sa pagkakabit ng tubo, siguraduhing tapos na ang inspeksyon. Kapag natapos mo na ang mga hakbang na ito, handa ka nang mag-iskedyul ng iyong inspeksyon bago magsimula ang serbisyo ng pagkain.
- Kailan mag-iskedul: Hindi bababa sa mauunang isang linggo
- Gastos sa inspeksyon Walang karagdagang gastos para sa unang inspeksyon. Kung ikaw ay hindi pumasa sa iyong unang inspeksyon, nagkakahalaga ng $486 para sa muling pagsusuri, na may karagdagang oras pagkatapos nito na sisingilin sa $243 bawat oras
Permit sa negosyo ng serbisyo sa pagkain
Huling inspeksyon sa gusali
Kapag iyong naipasa na ang mga inspeksyon para sa iba mong permit, at kapag nabayaran na ang lahat ng bayarin sa iyong permit, maaari kang makakuha ng Certificate of Occupancy. Tawagan ang SDCI Inspection Request Line (206) 684-8900) para sa huling inspeksyon.
- Kailan mag-iskedul: 1-2 araw na mauuna
- Gastos sa inspeksyon: Wala
Kumuha ng Certificate of Occupancy (PDF)
Inspeksyon ng Board sa Alak at Cannabis
Kung ikaw ay nagbebenta ng alak, bibisita ang Washington State Liquor and Cannabis Board sa loob ng 6 na linggo mula nang magbukas. Tinutulungan ka nilang maunawaan ang mga batas sa alak, masuri ang mga karatula at lisensya, at matiyak na ligtas ang iyong pagpapatakbo.
Ang mga karatula at lisensya ay dapat ilagay at libre kasama ang iyong lisensya sa alak.
Kainan sa labas
Kung ikaw ay mayroon permit para sa isang lugar ng kainan sa labas, hindi mo na kailangang mag-iskedyul ng inspeksyon. Maaari mo nang simulan gamitin ang lokasyon kapag nailagay na ito.
- Kailan mag-iskedul: Hindi mo kailangang mag-iskedyul. Darating ang inspektor ng Lungsod sa nakatakdang iskedyul batay sa kung kailan mo nakuha ang iyong permit
- Gastos sa inspeksyon: Walang bayad para sa unang inspeksyon; $358 kada oras kung kailangan ng karagdagang inspeksyon
Mga permit para sa kainan sa labas
I-promote ang iyong negosyo
Naghahanda ka na bang buksan ang iyong bagong negosyo? Oras na para ipaalam sa mga tao ang tungkol dito!
Narito kung paano mo maipapakalat ang balita sa iyong kapitbahayan:
- Batiin ang mga kalapit na negosyo
- Makipag-usap sa iyong grupo ng negosyo sa kapitbahayan. Maaari silang tumulong sa pagpapalaganap ng balita
- Ibahagi ang balita tungkol sa iyong negosyo sa mga grupo ng social media sa kapitbahayan tulad ng Nextdoor o Facebook
Ang mga may-ari ng maliliit na negosyo ay maaaring makakuha ng 10 oras na libreng tulong mula sa isang propesyonal upang gumawa ng plano sa marketing. Mag-sign up na ngayon!
Iba pang hakbang para buksan ang iyong negosyo
1. Hanapin ang tamang lokasyon
Ang pagpili ng tamang lokasyon ay makakatipid sa iyo ng pera, oras, at sakit ng ulo. Matutunan kung paano magsaliksik ng mga espasyo at makipagkasundo sa isang kontrata sa pag-upa.
I-disenyo ang iyong lokasyon at kumuha ng mga permit para sa pagtatayo o pagpapalawak ng iyong negosyo.
Mag-sign up para sa permit sa coaching
Tingnan kung ikaw ay kwalipikado para sa Commercial Space Permit Coaching para sa libreng tulong sa pagsasaliksik ng lokasyon, pag-unawa sa mga posibleng kailangang pag-aayos o pag-update para magamit ang isang lokasyon para sa iyong negosyo, at tulong sa iyong mga permit sa gusali.