SAKAY NA
አማርኛ • 简体中文 • 繁体字 • 日本語 • 한국어 • Oromiffa • af-Soomaali • Español • Tagalog • ትግርኛ • Tiếng việt • English
Ano ang mga Ride Now voucher?
Kumuha ng naa-access, abot-kayang sasakyan kung kailan ninyo gusto, walang kinakailangang pagreserba.
Mga nasa hustong gulang na 65+, mga taong may kapansanan, at mga tagapag-alaga na bumabyaheng kasama ng mga kwalipikadong mga sakay ay maaaring humiling ng hanggang 6 na libreng $20 na mga voucher bawa't buwan para gumamit ng Yellow Cab, Uber, o Lyft papunta o galing sa istasyon ng transit tulad ng mga hintuan ng bus at Link light rail, o sa iba pang kalapit na mga destinasyon na hindi gaanong naaabot ng transit, gaya ng parke o tahanan ng isang kamag-anak. Ang mga $20 na mga voucher na ito ay dapat na ganap na masakop ang karamihan ng mga biyahe hanggang 3 milya. Lahat ng mga pagsakay ay dapat magsimula at magtapos sa loob ng mga limitasyon ng lungsod ng Seattle.
Dahil sa mataas na demanda, ang panimulang programang Ride Now ay pinalawig hanggang Hunyo 2022. Ang mga kwalipikadong indibidwal ay maaaring piliin na tumanggap ng papel o digital na mga voucher upang magamit sa mga kalahok na serbisyo. Ang bawat set na mga voucher na hiniling ay mawawalang-bisa sa katapusan ng bawat buwan (Marso, Abril, Mayo at Hunyo 2022), at mga panibagong mga voucher ay maaari nang hilingin hanggang Hunyo 3, 2022. Ang mga Ride na voucher ay hindi na tatanggapin pagkatapos ng Hunyo 30, 2022. Makakakuha lang ng mga voucher hanggat mayroon pang suplay.
Para sa karagdagan pang mga impormasyon tungkol sa Ride Now na programa at kung papano makakapag-silbi sa inyo o sa inyong kakilala itong serbisyong pagkilos kapag kakailanganin sa wika na inyong ninanais, mangyaring tawagan kami sa (206) 684-7623 (ROAD) o mag-email sa amin sa RideNow@seattle.gov. Ang mga serbisyo ng pagsasalin ay makukuha ng libre.
p>Hilingin ang inyong unang hanay ng mga voucher sa pamamagitan ng pagsagot sa form sa ibaba o sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa (206) 684-ROAD [7623]. May makukuhang mga voucher habang may supply pa.
A vendor contracted by the City of Seattle processes the information you provide here and may use third party tools to communicate, where our Privacy Policy doesn't apply. We recommend that you check the vendor's privacy policy for details about information collection and use.
Aling mga serbisyo ng pagsakay ang tumatanggap ng mga voucher na ito?
Didiskwentuhin o babayaran ng buo ng mga voucher ang mga pagsakay sa mga kalahok na mga ride-hailing providers na nakalista sa ibaba.
Paano gamitin ang inyong mga voucher
Unang hakbang: mag-book ng sakay
- I-book ang inyong biyahe sa alinmang magagamit na paraan:
- Telepono: Mag-book ng Yellow Cab sa pamamagitan ng pagtawag sa (206) 622-6500.
- Smartphone na app: Mag-book ng Yellow Cab, Uber, o Lyft sa pamamagitan ng kanilang mga app sa inyong smartphone.
- Computer: Mag-book ng Uber o Lyft sa pamamagitan ng kanilang mga website sa inyong computer o tablet.
- Makakatanggap kayo ng impormasyon kung kailan aasahan na darating ang inyong sasakyan at maaari kayong magtanong sa inyong driver para sa ilang partikular na akomodasyon.
Ikalawang hakbang: Darating ang inyong sasakyan sa isang napapanahong paraan
- Ang Yellow Cab, Uber o Lyft na sasakyan ay darating sa madaling panahon, tipikal na sa loob ng 10-30 minuto mula nang ito ay hilingin.
- Ang mga Uber o Lyft na sasakyan ay karaniwang mga sedan (mga kotse), maliban na lamang kung iba ang tinukoy.
- Nagbibigay ang Yellow Cab ng mga sasakyang naa-access ng mga wheelchair para sa mga sakay na nangangailangan ng mga ito.
Pangatlong Hakbang: Pagbaba at pagbayad
- Ihahatid kayo ng driver sa inyong pinakamalapit na istasyon ng transit o iba pang malapit na patutunguhan.
- Gamitin ang inyong papel o digital na voucher upang ilapat ang diskwento sa inyong pagsakay
- Ang $20 na ride voucher ay para gawin ang karamihan ng mga biyaheng hanggang 3 milya nang libre o lubos na naka-diskwento.
- Bayaran ang anumang natitirang balanse. Para sa mga pagsakay ng Yellow Cab, maaaring magbayad ng cash o credit/debit card. Ang mga natitirang balanse sa mga biyaheng Lyft o Uber ay kailangang bayaran ng credit o debit card na naka-file sa smartphone app.
- Mangyaring tandaan na bigyan ng tip ang inyong driver!
- Para sa Yellow Cab: Ang natitirang balanse sa voucher na papel ay maaaring magamit sa pag-tip o maaari kayong mag-tip ng cash.
- Para sa Lyft o Uber: Ang pag-tip sa driver ay maaaring gawin sa pamamagitan ng smartphone app gamit ang credit o debit card na nasa file. Ang voucher na digital ay hindi maaaring gamitin sa pag-tip sa pagsakay ng Uber o Lyft.
Pang-apat na Hakbang: Magbigay ng komentaryo (hinihikayat)
Kung gusto ninyong matuto nang higit pa tungkol sa kung paano gamitin itong mga serbisyong rideshare at inyong mga voucher, maaari kayong magbasa ng higit pa sa SDOT Blog.
Iba pang mga Programa sa Transportasyon
Ang pagpopondo na nakatulong upang gawing posible ang pilot program ng RideNow ay natanggap mula sa Transit Planning 4 All grant, isang pambansang proyekto sa pagpaplano sa transportasyon na naghahanap at nagsusulong ng pinakamahuhusay na kagawian para sa pagsasama ng mga taong may kapansanan at matatanda sa pagpaplano ng transportasyon.
Bilang bahagi ng 2018-2019 Transit Planning 4 All Grantee Cohort, ang Hopelink (King County, WA) ay nagsagawa ng Inclusive Planning Toolkit, isang pinagsama-samang mga aralin na natutunan mula sa Hopelink at pakikilahok sa grant ng King County Mobility Coalition. Ginamit nang ekstensibo ng SDOT ang Inclusive Planning Toolkit sa pagpaplano ng pilot program na ito.
Maaari ninyong tuklasin ang Inclusive Planning Toolkit ng Hopelink dito.