Titulo VI: Batas ng Karapatang Sibil
English | 正體字 (Traditional Chinese) | Español (Spanish) |
Af-Soomaali (Somali) | አማርኛ (Amharic) | 한국어 (Korean) |
Tagalog (Tagalog) | Tiếng Việt (Vietnamese) |
Ang Lungsod ng Seattle ay sumusunod sa Batas ng Karapatang Sibil ng Titulo VI. Pinoprotektahan kayo ng batas na ito mula sa diskriminasyon batay sa inyong lahi, kulay, o pinagmulan na bansa sa mga programa, serbisyo, o aktibidad ng lungsod na tumatanggap ng pederal na pondo.
Ang Aming Paninindigan
Kami ay nakatuon sa pagtiyak na ang lahat ay tinatrato nang patas at pantay. Ang Lungsod ng Seattle ay ipinagbabawal ang diskriminasyon sa anumang programa panglungsod, serbisyo, mga pasilidad, at mga kontrata batay sa kapansanan, kasarian, edad, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan sa kasarian, kalagayan sa imigrasyon, resulta ng pagbubuntis, relihiyon o pananampalataya, lahi, estado bilang beterano o militar, pagpapasuso sa pampublikong lugar, at paggamit ng hayop na serbisyo sa pampublikong mga lugar.
Kung Nakakaranas Kayo ng Diskriminasyon
Kung sa tingin ninyo ay nakaranas kayo ng diskriminasyon, maaari kayong maghain ng reklamo sa amin. Narito kung paano:
- Onlayn: Maghain ng Reklamo
- Telepono: 206) 684-4500 o TTY: 7-1-1
- Email: discrimination@seattle.gov
Para sa mga reklamo tungkol sa diskriminasyon sa kapansanan o upang humiling ng mga tirahan sa ADA, makipag ugnay sa aming ADA Coordinator:
- Email: adacoordinator@seattle.gov
- Telepono: (206) 684-2489 or TTY: 7-1-1
Kami ay nandito para tumulong. Makipag ugnayan sa (Seattle Office for Civil Rights) Tanggapan ng Karapatang Sibil ng Seattle para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga batas ng Lungsod laban sa diskriminasyon at pagsunod sa Titulo VI. Nag aalok kami ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon nang libre.
Proseso ng Titulo VI na Reklamo
Kung naniniwala kayo na ang Lungsod ng Seattle ay may diskriminasyon laban sa inyo dahil sa inyong lahi, kulay, o bansang pinagmulan, maaari kayong magreklamo sa Seattle Office for Civil Rights (SOCR) sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
Hakbang 1: Makipag-ugnayan sa Amin
Maaari kayong maghain ng reklamo online, o tumawag sa amin sa (206) 684-4500, TTY: 7-1-1. Tandaan, kailangang maghain ng reklamo sa loob ng 180 araw mula sa insidente.
Hakbang 2: Mag-usap Tayo
Mag-aayos tayo ng oras para pag-usapan ang inyong sitwasyon at tingnan kung may sapat na impormasyon para sa isang Titulo VI na reklamo.
Hakbang 3: Maghain ng Reklamo
Kung may sapat na impormasyon, tutulungan namin kayong magsulat ng opisyal na reklamo na inyong pipirmahan. Iuulat namin ang reklamo sa kinauukulang departamento ng Lungsod ng Seattle.
Ang mga kaso na may kinalalaman sa konstruksyon, pagpapanatili, pagpreserba ng mga kalsada, bangketa, mga highway, o tulay ay rerepasuhin ng Federal Highway Administration.
Hakbang 4: Maagang Resolusyon
Magkakaroon kayo at ang departamento ng Lungsod ng Seattle ng pagkakataon na lumahok sa maagang resolusyon upang matugunan ang reklamo. Ang maagang resolusyon ay nangangailangan ng boluntaryong pahintulot mula sa lahat ng partido.
Hakbang 5: Imbestigasyon
Kung hindi matagumpay ang maagang resolusyon, isang imbestigador ang magkakalap ng impormasyon, mangangasiwa ng mga panayam, at aanalisahin ang mga pangyayari sa loob ng 100 araw mula sa paghain ng reklamo.
Hakbang 6: Desisyon
Ang SOCR ay magdedesisyon kung may sapat na ebidensya upang ipakita ang isang paglabag sa Titulo VI.
Ang mga imbestigasyon na may kinalalaman sa konstruksyon, pagmementena, pagpreserba ng mga kalsada, bangketa, punong lansangan, o ng mga tulay at mga lagusan ay rerepasuhin ng Federal Highway Administration. Mayroon rin kayong opsyon na direktang maghain ng Titulo VI na reklamo sa Kagawaran ng Transportasyon ng Estados Unidos, Opisina ng Administrasyong Pederal ng Transit para sa mga Karapatang Sibil (U. S. Department of Transportation, Federal Transit Administration's Office for Civil Rights):
- Online sa highways. dot. gov/civil-rights/title-vi-complaint
- Boses: 1 (202) 366-0693 o 1 (888) 446-4511
- Email: FHWA.TitleVIcomplaints@dot.gov
- Mail:
- Federal Highway Administration
US Department of Transportation
Office for Civil Rights
1200 New Jersey Avenue, SE
8th Floor E81-105
Washington, DC 20590
- Federal Highway Administration
Ang Aming Ginagawa
Nagbibigay ng mga sumusunod na serbisyo ang Lungsod ng Seattle:
Patas na Pag-akseso. Iwasan ang diskriminasyon sa lahat ng mga programa, mga serbisyo, at mga kontrata.
- Email: discrimination@seattle.gov
- Boses: (206) 684-4500, TTY: 7-1-1
Akseso para sa mayroong Kapansanan. Tiyakin na ang mga taong may kapansanan ay maaaring maka akseso at makinabang mula sa aming mga programa, mga serbisyo, at mga aktibidad.
- Email: adacoordinator@seattle.gov
- Boses: (206) 684-2489, TTY: 7-1-1
Akseso sa Wika. Magbigay ng impormasyon at serbisyo sa inyong ginustong wika.
- Email: IMR_LanguageAccess@seattle.gov
- Boses: (206) 727-8515, TTY: 7-1-1
Katarungang Pangkapaligiran. Pagbutihin ang kalusugan, kapaligiran, panlipunan, at ekonomikong mga resulta para sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng kawalan ng katarungan sa kapaligiran.
- Email: OSE@seattle.gov
- Boses: (206) 256-5158, TTY: 7-1-1
Pagkakapantay-pantay sa Pagkontrata. Dagdagan ang pagkontrata at pagbili sa mga kababaihan at mga negosyong pag aari ng minorya (WMBE).
- Boses: (206) 514-1608, TTY: 7-1-1
Pagkakapantay-pantay sa Transportasyon. Makipagtulungan sa mga komunidad upang bumuo ng isang sistema ng transportasyon na pantay pantay sa lahi at makatarungan sa lipunan.
- Email: DOT_TitleVI@seattle.gov
- Boses: (206) 640-3313, TTY: 7-1-1