This content has been professionally translated in other languages.
Este contenido ha sido traducido profesionalmente a otros idiomas.
此內容已被專業翻譯成其他語言。
Nội dung này đã được dịch chuyên nghiệp sang các ngôn ngữ khác.
Qoraalkan waxaa si xirfad leh loogu turjumay luqado kale.
Ang nilalamang ito ay propesyonal na isinalin sa ibang mga wika.
이 콘텐츠는 전문적으로 다른 언어로 번역되었습니다.
ይህ ይዘት በሙያዊ በሌሎች ቋንቋዎች ተተርጉሟል።
Kailangan mo ba ng permit coaching sa konstruksyon para sa iyong komersyal na espasyo?
- Sa pakikipagtulungan sa Seattle Department of Construction and Inspections (Kagawaran ng mga Konstruksyon at Inspeksyon ng Seattle), tinutulungan namin ang mga kwalipikadong maliliit na negosyo sa mga permit para sa komersyal na espasyo at mas mabilis na serbisyo. Nag-aalok kami ng tulong sa pagsasaliksik ng mga pangangailangan sa konstruksyon, maagang gabay sa pagpapahintulot, at mas mabilis na pagpapahintulot.
Mga permit sa konstruksyon, kalakalan, paggamit ng lupa, at mga permit na kailangan ng inspeksyon sa field
- Maraming proyekto ang nangangailangan ng permit sa Seattle. Ang mga uri ng proyekto ay maaaring kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: pagpapatayo o pag-aayos ng komersyal na espasyo, pag-install ng mga HVAC system at kitchen hood, pag-install ng mga electrical system, at higit pa.
- Mga permit sa paggamit ng gusali
- Mga permit sa konstruksyon
- Mga permit na kailangan ng inspeksyon sa field
- Mga permit sa kalakalan
Mga permit mula sa Kagawaran ng Bumbero ng Seattle
- Tinutukoy ng Kodigo ng Bumbero ng Seattle ang mga operasyon, aktibidad, at materyales na nangangailangan ng permit. Ang mga permit mula sa Kagawaran ng Bumbero ay dapat makuha para sa mga espesyal na kaganapan, malalaking lugar ng gusali kung saan nagtitipon ang mga tao, pag-iimbak o paggamit ng mga mapanganib na materyales, mga mapanganib na operasyon gaya ng hot work at spray finishing, pag-iimbak ng mga nakasalansang madaling magliyab na materyales, at iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng panganib sa sunog o kaligtasan.
- Nagsasagawa ang Kagawaran ng Bumbero ng Seattle ng mga libreng inspeksyon sa mga multifamily na pamahayan, komersyal, at industriyal na gusali, kadalasan isang beses sa isang taon. Ang layunin ng mga inspeksyon ay bawasan ang bilang at tindi ng mga sunog. Para matuto pa tungkol sa programa ng inspeksyon at mga hakbang na maaari ninyong gawin para makapasa sa inyong inspeksyon at mapanatiling ligtas ang inyong gusali, pakitingnan ang Client Assistance Memorandum 5969, na mayroon sa maraming wika.
Pampublikong right-of-way: Mga permit sa paggamit ng kalye
- Ang mga kalye, bangketa, plaza, at eskinita ng Seattle ang bumubuo sa pampublikong right-of-way. Gusto ninyo bang bigyan ng buhay ang isa sa mga espasyong ito? Kakailanganin ninyo ng permit bago kayo magtrabaho sa o gumamit ng right-of-way. Pinapanatili ng mga permit na ito ang mga espasyong ito na ligtas, madaling mapuntahan, at nasa maayos na kondisyon para sa lahat.
- Pinapayagan kayo ng mga Street Use permits (permit para sa Paggamit ng Kalye na gamitin ang espasyong ito para pagandahin ang inyong komunidad. Maaari kayong magdaos ng mga event, magbukas ng sidewalk café, o magdagdag ng mga feature na nag-aanyaya sa mga tao na magtipon-tipon.
- Ang mga aktibidad na ito ay nagpapatibay sa inyong komunidad sa totoong paraan. Nagpapasigla ito ng koneksyong panlipunan, nakakatulong sa pag-unlad ng mga lokal na negosyo, at ginagawang mas ligtas at mas nakakaanyaya ang ating mga kalye.
- Pagtitinda ng pagkain sa kalye
- Mga mauupuan sa labas:
- Community activation para sa mga pagtitipon ng komunidad o negosyo at iba pang gamit panlipunan:
- Kasama sa mga sikat na aktibidad ang mga block party at play street, pagtitipon o pagdiriwang ng mga kapitbahay, at mga aktibidad sa kalye at bangketa gaya ng mga street fair
- Mga pribadong istruktura sa right-of-way (mga bakod, rockery, balkonahe, pader, atbp.)
- Pagpapakita ng paninda
- Mga pampublikong amenity (mga taniman, sining, pampublikong upuan, atbp.)
Mga espesyal na proseso ng pagsusuri at pag-apruba sa mga Historic District
- Ang Seattle ay may walong historic district. Ang mga gusali at pampublikong espasyo sa mga distritong ito ay dapat sumunod sa mga espesyal na panuntunan upang maprotektahan ang kanilang makasaysayang hitsura at katangian. Isang lupon ng mga mamamayan o ang Landmarks Preservation Board ang nagsusuri sa mga pagbabago sa mga distritong ito upang matiyak na natutugunan nila ang mga kinakailangang itinakda ng batas ng Lungsod. Ang ilang makasaysayng distrito ay napapailalim din sa iba pang espesyal na proseso ng pagsusuri at pag-apruba.