This content has been professionally translated in other languages.
Este contenido ha sido traducido profesionalmente a otros idiomas.
此內容已被專業翻譯成其他語言。
Nội dung này đã được dịch chuyên nghiệp sang các ngôn ngữ khác.
Qoraalkan waxaa si xirfad leh loogu turjumay luqado kale.
Ang nilalamang ito ay propesyonal na isinalin sa ibang mga wika.
이 콘텐츠는 전문적으로 다른 언어로 번역되었습니다.
ይህ ይዘት በሙያዊ በሌሎች ቋንቋዎች ተተርጉሟል።
King County
- Impormasyon sa paglilisensya ng negosyo (kinakailangan lamang kung kayo ay nagpapatakbo sa unincorporated na bahagi ng King County at ang inyong negosyo ay isa sa mga nakalistang reguladong aktibidad)
- Mga permit para sa negosyong pagkain
- Mga card para sa manggagawa sa pagkain
- Mga permit sa pagtutubero (ang mga pag-install ng backflow assembly ay nangangailangan ng permit sa pagtutubero sa pamamagitan ng Public Health)
- Impormasyon sa buwis sa ari-arian
Kalihim ng Estado ng Washington
- Kung ang inyong entidad ng negosyo ay isang korporasyon, limited partnership, limited liability na kumpanya, o isang limited liability partnership, dapat kayong magparehistro sa Secretary of State bago mag-apply para sa inyong mga lisensya sa negosyo.
Washington State Department of Revenue (Kagawaran ng Rentas ng Estado ng Washington)
- Mga lisensya sa negosyo (kinakailangan para sa lahat ng negosyong nagpapatakbo sa estado ng Washington)
- Mga permit ng reseller
- Mga espesyal na endorsement (gaya ng mga retailer ng sigarilyo, mga produktong tabako, limousine, o mga rate ng buwis)
- Mga buwis at kinakailangan ng estado
- Buwis sa negosyo at trabaho ng estado (kilala rin bilang B&O tax)
- Credit sa buwis na B&O para sa maliliit na negosyo ng estado
- Insurance sa kawalan ng trabaho ng estado (kinakailangan kung kayo ay kukuha ng isa o higit pang empleyado)
Washington State Department of Labor and Industries (Kagawaran ng Paggawa at Industriya ng Estado ng Washington)
- Insurance para sa kompensasyon ng mga manggagawa
- Pagkuha ng mga teenager, kabataan, at intern
- Mga food truck at trailer
Washington State Department of Social and Health Services (Kagawaran ng Serbisyong Panlipunan at Pangkalusugan ng Estado ng Washington)
- Inaatasan ng batas ng estado ng Washington ang mga employer na ireport ang lahat ng bago at muling kinuha na empleyado sa loob ng 20 araw mula sa kanilang petsa ng pagsisimula. Ang muling kinuha na empleyado ay isang taong hindi nagtrabaho para sa inyo sa loob ng hindi bababa sa 60 magkakasunod na araw. Dapat ninyong iulat ang lahat ng empleyado, anuman ang kanilang edad, kasarian, o oras ng pagtatrabaho.
Washington State Employment Security Department (Kagawaran ng Seguridad sa Trabaho ng Estado ng Washington)
- Ang Employment Security Department ang namamahala sa insurance sa kawalan ng trabaho ng estado at mga programang bayad na bakasyon para sa pamilya at medikal bilang karagdagan sa pagbibigay ng mga serbisyo sa lakas-paggawa para sa mga naghahanap ng trabaho at mga employer.
Washington State Gambling Commission (Komisyon sa Pagsusugal ng Estado ng Washington)
- Anumang mga aktibidad sa pagsusugal na plano ninyong isagawa sa inyong negosyo ay nangangailangan ng lisensya upang patakbuhin sa estado ng Washington.
Washington State Liquor and Cannabis Board (Lupon sa Alak at Cannabis ng Estado ng Washington)
Loterya ng Washington
- Ang mga tiket sa loterya ay itinuturing na isang kontroladong produkto at ibinebenta at kinokontrol ng Washington State Lottery (Loterya ng Estado ng Washington) at ng mga ahente nito. Ang layunin ng Lisensya ng Retailer ng Loterya ng Washington ay itinatag sa ilalim ng RCW 67.70.040(1), na nagbibigay ng kapangyarihan at awtoridad sa Komisyon ng Loterya na magbigay ng lisensya sa mga retailer na magbenta o mamahagi ng mga tiket.
Internal Revenue Service
- Employer Identification Number
- Mga uri ng pederal na buwis sa negosyo (ang uri ng negosyong pinapatakbo ninyo ang nagtatakda kung anong mga buwis ang dapat ninyong bayaran at kung paano ninyo dapat bayaran ang mga ito)