Filipino / Tagalog

Gawing mahalaga ang iyong boses sa mga halalan ng Seattle

Pinalalakas ng Democracy Voucher Program ang paglahok ng mga residente ng Seattle sa lokal na eleksyon at binabawasan nito ang mga hadlang sa pagtakbo sa eleksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkukunan ng pondo para tumakbo.

Ano ang Democracy Voucher?
Ang Lungsod ng Seattle ay nagbibigay ng Democracy Voucher sa mga residente. Ang Democracy Voucher ay isang certificate na nagkakahalaga ng $25 bawat isa na magagamit ng mga residente ng Seattle upang i-donate sa mga kampanyang lokal.

Sino-sinong mga kandidato ang maaaring tumanggap ng Democracy Voucher?
Ang programang ito ay opsyonal lamang para sa mga kandidato. Ang mga kandidatong lalahok sa program ang maaaring tumanggap ng iyong mga voucher. Ang Democracy Voucher ay maaaring ibigay to mga lalahok na kandidatong tatakbo para sa pagka-konsehal, Abugado ng Lungsod o Mayor ng Seattle.

Kailan ang susunod na halalan ng Lungsod ng Seattle (City of Seattle)?
Ang susunod na halalan sa Lungsod ng Seattle ay sa 2023. 

Makakakuha ka ng Democracy Voucher kung ikaw ay:

  • Residente ng Seattle,
  • Hindi bababa sa 18 taong gulang, at
  • Isang US citizen, US national o lawful permanent resident

Kung ikaw ay isang rehistradong botante, agaran kang makakatanggap ng iyong mga Democracy Voucher.

Hanapinang isang kandidatong lumalahok sa participating candidates' page.  

Mga Tanong?  Mangyaring tumawag sa (206) 727-8855 (may tutulong magsalin sa iyong wika).

Maaari mong i-download o i-print itong mga materyales upang gamitin sa iyong komunidad.

Aplikasyon sa Programang Democracy Voucher

Gamitin ang iyong Democracy Voucher sa 2023 Mga halalan sa Seattle.

Interesado na Tumakbo para sa Tanggapan sa Seattle?